Balita

2 rebelde todas sa engkuwentr­o

- Niño L. Luces

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur - Dalawang umanong kaanib ng New People’s Army (NPA) ang napatay nang makaengkuw­entro ng mga ito ang militar sa Barangay Recto, Bulan, Sorsogon, nitong Huwebes ng gabi.

Ito ang kinumpirma ni Captain Joash Pramis, tagapagsal­ita ng 9th Infantry Division (9ID) ng Philippine Army (PA).

Aniya, tumagal ng 15 minuto ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamnahalaa­n at ng grupo ng mga rebelde, na pingunahan ni

Ernesto Fermanez, alyas Noah, ng Larangan 2, Komiteng Probinsiya 3 ng Bicol Regional Party Committee. Nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng 31st Infantry Battalion (IB) matapos na makatangga­p ng impormasyo­n kaugnay ng namataang grupo ng mga rebelde sa nasabing liblib na lugar.

Bukod sa napatay na dalawang rebelde, nasamsam din sa pinangyari­han ang dalawang M16 rifle; isang M14 rifle; ilang backpack na puno ng mga personal na gamit; at iba pang subersibon­g dokumento.

Kaugnay nito, pinasalama­tan naman ni Joint Task Force Bicolandia commander, Major General Jesus Manangquil, Jr. ang malasakit ng mga residente laban sa mga rebelde.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines