Balita

3 sugatan sa LPG explosion

- Fer Taboy

Sugatan ang tatlong katao nang sumabog ang isang sumingaw na tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) sa isang kainan sa Iloilo City, kahapon ng umaga.

Sa report ng Iloilo City-Bureau of Fire Protection (BFP), kinilala ang mga biktima na sina Janine Saneo, trabahador ng kainan; Blessy Salgado; at Nestor Peñol, Jr.

Sa imbestigas­yon ng BFP, napadaan lamang sa lugar sina Salgado at Peñol nang maganap ang pagsabog.

Ayon sa arson investigat­or, magdamag na nakabukas ang tangke ng LPG at nang gamitin na ito ay bigla na lamang sumabog.

Sa taya ng BFP, aabot sa P100,000 ang halaga ng napinsalan­g ari-arian sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines