Balita

Magka-live-in, sabit sa carnapping

- Light A. Nolasco

BALER, Aurora - Sinampahan na ng kasong carnapping ang mag-livein partner dahil umano sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Baler, Aurora, kamakailan.

Ang dalawang kinasuhan ay kinilalang sina Enrique Amurao, Jr., at Anabelle Pascual, kapwa taga-Barangay Pingit ng nabanggit na bayan.

Sa record ng Baler Police Station, ipinarada ni Jenalyn Madrid, nasa hustong gulang, ang kanyang motorsiklo sa tapat ng kanyang bahay sa Sitio Kinalapan, Bgy. Pingit nang tangayin umano ng mga suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines