Balita

Drug suspect, arestado

- Leandro Alborote

PANIQUI, Tarlac - Natiklo ng awtoridad ang isa umanong tulak ng illegal drugs sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Poblacion Norte, Paniqui, Tarlac, kamakailan.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drug Act of 2002) ang suspek na nakilalang si Joemark Estrada, alyas Omak, 32, ng M.H. Del Pilar Street, Bgy. Estacion ng nasabing bayan.

Dinakip si Estrada nang mahulihan ng hindi pa madetermin­ang halaga ng shabu matapos bentahan ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nauna nang nakatangga­p ng impormasyo­n ang pulisya kaugnay ng talamak na pagbebenta ng shabu ng suspek na nagresulta sa pagkakadak­ip nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines