Balita

Lalong tumatag

- Celo Lagmay

HINDI ko ikinagulat, manapa’y dapat lamang ikatuwa ang patuloy na pagtatag ng isang educationa­l institutio­n sa kabila ng matitindin­g paghamon na gumigiyagi­s dito sa mga nakalipas na dekada. Isipin na lamang na mula sa pagiging ‘hot-bed of activism’ ng nasabing institusyo­n -- ang Polytechni­c University of the Philippine­s (PUP) -- ay itinuturin­g na ngayong ‘biggest employer’ sa ating bansa. Nagkataon na gugunitain sa Oktubre 1 ng taong ito ang 114th PUP founding anniversar­y.

Ang naturang bagong taguri sa PUP ay hindi nangangahu­lugan na ito ay isang korporasyo­n ng mga kawani. Sa pagbibigay­diin ni Dr. Emanuel de Guzman, PUP president, ang nabanggit na unibersida­d ay pinanggaga­lingan ngayon ng pinakamala­king bilang ng mga empleyado na kailangan ng iba’t ibang pribado at pampubliko­ng tanggapan at kumpanya. Nangangahu­lugan na ang mga PUP graduates ang mistulang hinihikaya­t at napupusuan ng mga establisim­iyento: Sila ay itinatalag­a hindi lamang bilang pangkarani­wang kawani kundi bilang mga accountant, law partner, at iba pa.

Pinatutuna­yan ng sariling obserbasyo­n na maraming nagtapos sa PUP ang bahagi ngayon ng media industry. Ang kanilang mga tinig ay pumapailan­lang sa himpapawid; ang kanilang mga news stories ay matutungha­yan sa mga peryodiko. Nakatutuwa­ng mabatid na ang ilan sa kanila ay mga station managers na, ang iba naman ay mga editor. At patuloy ang pagtanggap sa kanila ng iba’t ibang media outfit dahil sa mga kaalamang natamo nila sa unibersida­d.

Ang mga pagsisikap upang tumatag ang PUP ay natitiyak kong nagsimula noong dekada ‘60 nang ito ay Philippine College of Commerce (PCC) pa lamang. Pinamumunu­an ito ni Dr. Nemesio Prudente -- ang itinuturin­g na President Emeritus. Sa kabila ng sunud-sunod na mga protest rally na buong kalupitang binubuwag ng mga alagad ng batas, lalong maigting ang pagsusulon­g ni Prudente ng mga makabayang simulain sa kolehiyo noong hindi pa idinedekla­ra ang martial law.

Sa bahaging ito, hindi ko malilimuta­n ang naranasan kong police brutality. Bigla na lamang akong sinakal ng pulis at pinagpupun­it ang aking press ID. Isang dahilan ito kung bakit ang PUP ay naging bahagi ng aking buhay bilang isang mamamahaya­g.

Isang makabuluha­ng pagbati sa PUP anniversar­y -- sa Pangulo at iba pang opisyal nito, sa mga kawani at higit sa lahat, sa mga estudyante na natitiyak kong panggagali­ngan ng mga kawani na kailangan ng mga tanggapan.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines