Balita

Carlo at Angelica magka-date sa ABS-CBN Ball, paano si Zanjoe?

- Reggee Bonoan

“NAGKABALIK­AN na ba sina Angelica

(Panganiban) at Carlo (Aquino)?,” ito ang tanong sa amin ng mga nakapanood ng pelikulang Exes Baggage, na habang isinusulat namin ang balitang ito ay more than P50M na ang kita sa loob lang ng tatlong araw.

“Sa pagkakaala­m namin ay hindi, base na rin sa panayam nilang dalawa sa ‘Gandang Gabi Vice’ nitong nakaraang Linggo,” sagot namin sa mga nagtanong.

“Bakit sila ang magka-date sa ABS-CBN Ball ngayong gabi?” hirit ulit sa amin. “Bakit naman hindi?,” sabi namin. “Di ba dapat si Zanjoe (Marudo) ang kadate, kasi sila ang partner sa ‘PlayHouse’?,” pangangatw­iran ng aming kausap.

May punto naman din ang aming kausap bilang promo na rin sana ng bagong serye nina Angelica at Zanjoe, pero kasama rin kasi si Carlo sa PlayHouse kaya puwede rin namang sila ang magkasama.

Bukas rin naman kami sa palaisipan na baka mas pinili ng aktres ang ex-boyfriend niya kasi sabi nga niya sa GGV, mas nakakapagl­ambing siya kay Carlo dahil nga may nakaraan sila.

Feeling namin, baka naiilang pa rin si Angelica kay Zanjoe dahil first time nilang maging magkalovet­eam kahit na nagkatraba­ho na sila noon at higit sa lahat, baka naman kasi naunang nag-imbita si Carlo.

Anyway, naniniwala kaming wala namang isyu dahil kasama rin naman sa PlayHouse si Carlo. At baka sa red carpet lang sila sabay maglalakad pero pagpasok sa loob ay magkakasam­a na sila nina Zanjoe sa iisang lamesa, tama ba ateng Jet?

 ??  ?? Carlo at Angelica Zanjoe
Carlo at Angelica Zanjoe

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines