Balita

Jasmine, naka-relate sa istorya ng ‘Pamilya Roces’

- Ni NITZ MIRALLES

LAKING pasasalama­t siguro si Jasmine Curtis-Smith na hindi siya natanong kung bakit ang payat niya, sa press visit namin sa taping ng GMA-7 dramedy na Pamilya Roces. Ilang beses na kasing tinanong si Jasmine kung bakit ang payat niya at ilang beses na rin niya itong sinagot.

Hindi na namin tinanong si Jasmine para hindi masira ang mood at saka ang Pamilya Roces ang ipinunta namin sa taping. Ito ang unang regular project ni Jasmine na magpa-pilot na sa Oktubre 8, pagkatapos ng Onanay.

“Ako si Pearl Pineda rito sa ‘Pamilya Roces’, hindi ako galing sa Roces family dahil anak ako ni Ana Roces sa ibang lalake, pero in-adopt ako ni Roi Vinzon. First time ko pa lang nabasa ang script, natawa na ako, masaya ang show na ito at nakarelate ako dahil nangyari sa akin. Second family kami ng dad ko, may first family siya sa Australia at may third wife rin siya. Sa ‘Pamilya Roces’, third family kami, kaya nga nakaka-relate ako ‘katuwa,” kuwento ni Jasmine tungkol sa karakter niya.

Masaya si Jasmine dahil binigyan ang hiling niyang sa drama siya ilagay ng GMA Network.

“Kaya drama ang gusto ko dahil feeling ko I will do good kung saan ang strength ko. I’m happy sa project na ito and to be working with director Joel

Lamangan and working with the rest of the cast,” sabi ni Jasmine.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines