Balita

Rapper na nanawagang ‘hang white people’, iimbestiga­han

- Reuters

BINUKSAN ng Paris prosecutor’s office nitong Miyerkules ang imbestigas­yon hinggil sa hindi pa gaanong sikat na French rapper, na nag-viral sa social media dahil sa video niyang Hang white people.

Ang #NickConrad ay naging top trending topic sa Twitter sa France nitong Miyerkules, makaraang punahin at kondenahin ng mga pulitiko ang music video, na ayon sa YouTube ay binura na nito dahil sa paglabag sa polisiya hinggil sa hate speech.

Ipinakita sa video ang rapper, na isang black man, na inaawit ang kanta habang naglalakad sa city suburb. Nakita rin dito na binaril niya ang isang white man na gumagapang sa lupa. Ang liriko ng kanta ay nanawagan na patayain ang white people pati kanilang mga anak, na may chorus na “hang the whities.”

Kahit na binura na ng YouTube ang original video, napapanood pa rin ang video sa ibang uploads.

“I fully condemn these abject words and ignominiou­s attacks,” pahayag ni Interior Minister

Gerard Collomb sa Twitter, at sinabing gagawa ng hakbang ang kanyang administra­syon para tuluyan nang mabura ang video.

Pahayag naman ang anti-racism group na Licra: “This racist call for murder ... is abject and unbelievab­ly violent.”

Ayon naman kay far-right leader Marine Le

Pen, ang naturang video ay “anti-white racism” sa France.

Ang imbestigas­yon ng prosecutor ay base sa bahagi ng 1881 law on freedom of the press “that concerns incitement to murder and to hatred based on race or religion”, lahad ng judicial source.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines