Balita

Channing Tatum at Jenna Dewan, nakiki-pagdate na

-

LIMANG buwan makaraan nilang ianunsiyo na tinapos na nila ang kanilang halos siyam na taon bilang mag-asawa, pareho nang nakikipag-date at nakikipagk­ilala sa ibang tao sina Channing Tatum, 38, at Jenna

Dewan, 37, ulat ng PEOPLE. Gayunman, wala pa namang relasyon ang nauuwi sa seryosohan. “(Jenna) has been on a few dates but doesn’t talk about a boyfriend,” pagbubukin­g ng source na malapit sa World of Dance host, na kasalukuya­n ngayong nagsu-shoot para sa Fox series na The Resident sa Atlanta.

“Jenna is busy working and going back and forth between L.A. and Atlanta,” anang source. “She’s in a really great place.” Samantala, ayon naman sa isa pang source ay nakikipag-date na rin si Channing at laging nagpapakas­aya, ngunit wala pang “serious” relationsh­ip.

Habang patuloy sa paggulong ang kanilang divorce— sinabi rin ng source na ipinagbibi­li ni Jenna ang kanilang bahay sa Beverly Hills at hinahati nila ang kanilang iba pang assets — pero ang pangunahin­g pinagtutuu­nan ng pansin ng friendly exes’ ay ang co-parenting sa kanilang anak na si Everly, 5.

“Everything has been really good between them,” sabi ni Channing sa source.

“Nothing has really changed from when they were together,” dagdag pa ng source para kay Jenna. “It hasn’t been a big adjustment for their daughter either, because not much has changed. Channing is a great dad when he is around. They co-parent and have the same goals for their daughter, which is they want her to know that she is very loved.”

Matatandaa­ng inanunsiyo nina Channing at Jenna na “(they had) lovingly chosen to separate as a couple”matapos ang halos isang dekada ng kanilang kasal nitong Abril na may joint statement. Sinabi nila na, “nothing has changed about how much we love one another,” ngunit sila ay parehas na “on different paths for now.”

 ??  ?? Channing at Jenna
Channing at Jenna

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines