Balita

Kamandag

Ika-43 labas

- R.V. VILLANUEVA

MADILIM-DILIM pa kinabukasa­n, gising na ang mag-asawang Nena at Fermin.

“Ang aga mo naman yatang magising,” sabi ni Nena.

May dahilang gumising ng maaga si Nena dahil siya ang naghahanda ng kanilang almusal.

“Bibiyahe ka na ba ng lagay na ‘yan?” tanong pa ni Nena.

“Hindi ko nga pala nasabi sa ‘yo, Love. Hindi na muna ako bibiyahe. Nag-uasp na kami ng kapitbahay nating karpintero­ng si Mang Teryo. Oras ‘kakong malinis ‘yong lote natin, sisimulan na natin ang pagpapa-repair n gating dream house. Siya na rin ang pinakuha ko ng kanyang makakatulo­ng.”

Parang ibig na naman ni Nena na tumutol pero iba ang nasabi niya: “E. meron na ba tayong konting savings at kung kakapusin, papautangi­n daw tayo ni Mang benjie.”

“Dagdagan mo’ng lulutuin mo’t magbabaon tayo. ‘Yong mga karpintero, sinabing magbabaom mh bigas at ulam,”dagdag pa ni Fermin.

“Ha?” Parang nagulat siya. “Kelangan pa ba akong kasama?”

“Dapat lang, di ba? Siyempre bahay natin ‘yon. Marami akong ikukonsult­a sa’yo sa magiging yari ng ating bahay.”

Bahala ka na lang! ‘Yon ang gusto niyang sabihin pero hindi naman niya nasabi. Parang tamad na tamad na kumilos si Nena.

May napansin yata si Fermin. “Maysakit ka ba?” “W-wala...wala.”

Nasa biyahe na sila nang magtanong si Mang Teryo: “Buong bahay ho ba ang gagawin natin?”

“Baka ho major repairs lang,” sabi ni Fermin. “Kayo na ho ang bahalang mag-estimate. Wala ho tayong ano mang gamit pa. Kayo na hoang bahala sa lahat.”

“Meron ho kayang hardware o tablerya do’n?”

“Wala ho sa mismong lugar pero meron ho sa dakog kabayanan. Hindi naman ho sanggaanon­g malayo ‘yon sa bahay.”

Hindi kumikibo si Nena. Nakikinig lag siya sa mga usapan. Ewan kung bakit sinalakay na naman siya ng isipin tungkol sa babaeng ‘yon.

Kinakalma niya ang kanyang looob. Sinasabi niya sa sarili na isa lang karaniwang babae iyon. Na tagaroon lang din ang babaeng iyon. Na hindi naman sinasadya ng babaeng iyon ang patungo sa lugar nila kundi hindi naman sinasadya ng babaeng iyon ang patungo sa lugar nila kundi hindi naman sinasadyan­g napapadaan lang doon.

Malayo pa sila ay tanaw na nila ang kabuuan ng lojte at bahay ngayong malinis na ang kabuuan niyon. Habang nalalapiit sila, hindi maintindih­an ni Nena kung bakit inaalipin na naman siya ng matinding kaba. Gayunman, wala naman siyang sinasabing ano man sa kanyang mga kasama.

May dahilan ang kaba ni Nena. Kasi, natanaw niya, may tao sa tapat ng gate na iniwan nilang bukas na bukas matapos na sila’y maglinis.

Nang malapit na sila sa lugar, noon niya nasiguro na babae ang naroroon. Sa utak niya, nabuo ang imahe. Iyon ang dating babae.

Gustong magsalita ni Nena pero hindi na lang siya kumibo. May dalangin siya. Sana’y nakikita rin ng kanyang mga kasama ang babaeng ito. Pero sa pakiwari niya, parang hindi. Wala kasing kumikibo. Diyos ko naman!

Malapit na sila, pumasok sa bakuran nila ang babae. At nawal na sa paningin ni Nena ang babae. Marahil hinihintay talaga sila ng babaeng ‘yon.

Buo na sa loob ni Nena, kakausapin niya ang babae. At sa pagkakatao­ng ito masasabi niya kay Fermin: Ngayon ba’y naniniwala ka na sa mga sinabi ko sa’yo tungkol sa babaeng ito. Siya mismo ang magpatunay na totoo siya at hindi multo.

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines