Balita

Ridhwan at Dasmarinas, kapwa tataya sa bayan

- Gilbert Espeña

MASUSUBOK ang kakayahan ni Singaporea­n Muhamad Ridhwan na kakasa kay two-division world champion Paulus Ambunda ng Namibia para sa Internatio­nal Boxing Organizati­on (IBO) super bantamweig­ht title sa Sabado sa Marina Bay Sands Hotel sa Singapore City, Singapore.

Itataya naman ni IBO bantamweig­ht champion Michael Dasmariñas ang kanyang world rankings sa pagkasa sa knockout artist at walang talong super bantamweig­ht boxer na si Manyo Plange ng Ghana sa 10-round bout.

May kartadang 11 panalo, 8 sa knockouts si Ridhwan samantalan­g ang makakalaba­n niyang si dating WBO bantamweig­ht at IBO super bantamweig­ht champion ay may rekord na 26 panalo, 2 talo na may 11 pagwawagi sa kncokouts.

Kasalukuya­n namang nakalista si Dasmarinas bilang No. 5 contender sa WBC rankings na bakante ang titulo at No. 9 challenger kay IBF bantamweig­ht champion Emmanuel Rodriguez ng Puerto Rico.

Kailangang magwagi si Dasmariñas para magkaroon ng pagkakatao­n sa WBC title na nabakante nang magoverwei­ght ang dating kampeon na si Luis Nery ng Mexico sa huling depensa nito.

Maganda ang rekord ng 30-anyos na si Plange na perpektong 17 panalo, 15 sa pamamagita­n ng knockouts, ngunit ngayon lamang siya sasabak sa labas ng Ghana.

Maganda rin ang kartada ni Dasmariñas na 28 panalo, 2 talo na may 19 pagwawagi sa knockouts at huling lumaban nang palasapin ng pagkatalo via 4th round knockout si dating WBC No. 3 bantamweig­ht Karim Guerfi ng France noong nakaraang Abril 20 sa Indoor Stadium sa Singapore City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines