Balita

La Salle, naungusan ng Ateneo shuttlers

- Marivic Awitan

MAAGANG upset ang ipinoste ng Ateneo de Manila matapos ungusan ang women's titleholde­r De La Salle, 3-2, nitong Huwebes sa pagbubukas ng UAAP Season 81 badminton tournament sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Itinala ni Geva de Vera ang 16-21, 22-20, 21-13 panalo kontra kay Iyah Sevilla sa deciding singles upang ibigay sa Katipunan-based squad ang kanilang second straight win.

Pinangunah­an naman ni national champion Sarah Joy Barredo ang 5-0, pagwalis ng National University sa University of Santo Tomas upang sumalo sa Lady Eagles sa pamumuno.

Naitala naman ng Adamson ang unang panalo matapos mablangka ang University of the East, 5-0.

Ang kabiguan ay nagbaba naman sa Tigresses at sa Lady Warriors sa ilalim sa barahang 0-2.

Sa kalalakiha­n, sinimulan ng NU Bulldogs ang kanilang 5-peat bid sa pamamagita­n ng 4-1 paggapi sa Ateneo.

Pinangunah­an nina Alvin Morada at Ross Lee Pedrosa ang Bulldogs sa pagpapalaw­ig ng kanilang unbeaten run sa 36 ties.

Nakaiwas naman sa shutout ang Blue Eagles sa pamamagita­n ng panalo ni Keoni Asuncion, 21-19, 21-18 kontra kay Thirdy Bacalso sa third singles.

Sa iba pang laro, tinalo ng De La Salle ang University of the East, 5-0 habang namayani ang Adamson University,3-2 , laban sa University of Santo Tomas.

Nasolo ng Green Shuttlers (2-0) ang pamumuno habang nagtabla ang Falcons at Eagles sa patas na barahang 1-1 at nanatili namang walang panalo ang Red Warriors at Tigers matapos ang dalawang laro.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines