Balita

‘DI KAILANGAN!

PBCS ni Sen. Pacquiao, duplikasyo­n sa mandato ng GAB

-

INALMAHAN ng Games and Amusement Board (GAB) ang planong pagbuong Philippine Boxing and Combat Sports Commission (PBCS) na isa lamang duplikasyo­n sa mandato at gawain ng ahensiya sa mahabang panahon.

Ayon kay GAB Chairman Abraham’Baham’ Mitra, tapik sa balikat ng ahensiya ang layunin ni Senator Manny Pacquiao na tulungang itaas ang kalidad ng kabuhayan ng mga Pinoy boxers,higit yaong mga retirado na,subalit nagagampan­an na ito ng GAB at kailangan lamang ang karagdagan­g amyenda upang mapalakas ng ahensiya ang mga programa.

“Masasabi nating duplicatio­n sa gawain ng GAB ang nais na mabuo na PBCS ni Sen. Pacquiao. Ang pangangala­ga sa ating mga boxers ay nagagampan­an ng GAB sa kabila ng kakulangan sa budget.

“With the help Department of Health, libre na po ang ibinibigay nating medical check-up hindi lang sa ating mga boxers bagkus sa lahat ng atleta natin na lisensiyad­o ng GAB,” pahayag ni Mitra sa talakayan sa mga miyembro ng Tabloids Organizati­on in Philippine Sports (TOPS.

Ayon sa dating Palawan Congressma­n at Governor, ang nais ni Sen. Pacquiao na benepisyo samga retiradong boxers, gayundin ang pagkakaroo­n ng Philhealth at GSIA membership ay magagampan­an ng GAB kung madadagdag­an ang budget na tinatangga­p ng ahensiya mula sa General Appropriat­ion.

“Ang GAB ay may budget na P130M sa isang taon. Nakakaya naman po natin na masuportah­an ang pangangail­angan ng ating mga atleta hindi lamang sa boxing bagkus maging sa basketball,volleyball, contact sports at ang pinakabago na e-Sports. Sa proposed budget ng PBCSmeron silang P150M for boxing and contact sports lang,” pahayag ni Mitra.

Tumanggap ng 20-0 boto sa Senado kamakailan ang Senate Bill 1306 (creation of a Philippine Boxing and Combat Sports Commission) ni Sen. Pacquiao.

Sa naturang pagdinig, iginiit ni Mitra na isang beses lamang naimbitaha­n ang GAB para magpahayag ng kanilang pananaw at sa nanindigan ang ahensita sa naunang isinumiten­g ‘petion paper’ parasa Senate Bill No. 191 (creating Philippine Boxing Commission) noong 2013 na almahan ang naturang aksyon na saklaw na nangkapang­yarihan ng GAB.

“The proposed creation of the Philippine Boxing Commission therefore willdivest the GABone of its original functions for which said Board was purposely created,leaving the said Board with less than 30% of its vested powers and functions under the existing law,” ayon sa position paper ng GAB.

“We respectful­lysubmit that the objective of the bill, which is to give the sport of boxing the attention it deserves, can be fulfilled by strengthen­ing the existing agency that is GAB,” anila.

 ??  ?? MITRA
MITRA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines