Pamangkin ni De Lima, huli sa buy-bust

Balita - - Pangunahing pahina - Ni NIÑO L. LUCES

IRIGA CITY, Camarines Sur Naaresto ng awtoridad ang umano’y pamangkin ni Senator Leila de Lima at tatlong iba pa

sa magkakahiwalay na drug operations sa Iriga City nitong Biyernes ng hapon, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kinilala ni PDEA-Bicol regional director Christian Frivaldo ang nadakip sa unang operasyon na si Francis Manuel de Lima, alyas Bong, 39, ng San Agustin ng naturang lungsod.

Si De Lima ay dinakma ng mga tauhan ng PDEA at Iriga City Police at Regional Intelligence Division sa buy-bust operation sa Room 3, Zams Apartelle sa nabanggit na lungsod, bandang 5:10 ng hapon.

Nasamsam kay De Lima ang pitong pakete ng umano’y shabu, na may bigat na 55 gramo at nagkakahalaga ng P374,000.

Arestado naman sa ikalawang operasyon sina Ariel Regazpi, 40, trike driver, ng Bato, Camarines Sur; Joan Sabanal, 28, massage therapist; at Alicia Mae Dice, 19, kapwa taga-Iriga City. Ang tatlo namang suspek ay dinampot sa isang hotels sa Bgy. San Isidro, bandang 2:10 ng hapon.

Nakumpiska sa tatlo ang dalawang pakete ng umano’y shabu, na nagkakahalaga ng P170,000; drug paraphernalia; isang motorsiklo; at isa pang tricycle.

“Cases for violation Article II of RA 9165, otherwise known as the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 are being prepared for filing against the suspects,” ayon pa kay Frivaldo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.