UdM binulabog ng bomb threat

Balita - - News - Mary Ann Santiago

Nabalot ng tensiyon ang isang unibersidad sa Ermita, Maynila dahil sa natanggap na bomb threat, kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD), nakatanggap ng isang text message ang Unibersidad de Manila (UdM), ilang metro lamang ang layo sa Manila City Hall, bandang 10:25 ng umaga.

“May bomba pong itinanim sa paligid ng Universidad de Manila, nasa liblib pong mga lugar sa paligid ng school.. Maaaring sumabog ito anumang oras ngayong Sabado,” bahagi ng text message, na natanggap ng isang high school teacher ng nasabing unibersidad.

Ini-report sa awtoridad ang insidente, kasabay ng pagpapalabas sa mga estudyante ng paaralan para na rin sa kanilang kaligtasan.

Agad na nagpadala ng mga tauhan ang Explosive and Ordnance Division (EOD) at Ermita Police Station 5 (PS-5) ng MPD sa unibersidad upang siyasatin ang lugar. Makalipas ang ilang oras, idineklarang ligtas sa anumang pampasabog ang pamantasan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.