Unang trauma informed care training sa Las Piñas

Balita - - News -

Isinagawa kamakailan sa Las Piñas City ang unang Trauma Informed Care training sa Metro Manila. Pinangunahan ng Las Piñas City Social Welfare and Development Office ang pagsasanay, na suportado ng pamahalaang lungsod, at nag-organisa at nangasiwa sa pagsasanay sa mga responder at personnel na humahawak ng mga trauma cases sa mga barangay, pulisya, at lokal na pamahalaan upang mapalakas ang Las Piñas Council for the Protection of Children (LCPC).

Ipinunto naman ni Junet Barilla, Las Piñas City Social Welfare and Development Officer, na ang paghahanda sa pamamagitan ng mga pagsasanay at seminar para sa mga frontliners sa pakikitungo sa mga biktima ng mental, pisikal at emosyonal na pang-aabuso partikular sa kabataan, ang pangunahing hakbang para maayos na matugunan ang mga trauma situation.

“Our frontliners and responders must have appropriate understanding and skills in dealing with those who are experiencing traumatic situations so that these concerns could be correctly addressed,” pahayag ni Mayor Imelda Aguilar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.