R2-M expired beauty products, computer durog sa BoC

Balita - - News - Mina Navarro

Tinatayang nasa P2 milyong halaga ng nakumpiskang mga ilegal na kargamento ang winasak ng Bureau of Customs (BoC).

Kabilang sa mga winasak ang 50 toneladang expired beauty products at second hand computer parts, na kinumpiska sa magkakahiwalay na operasyon nang ipadala mula sa China noong 2017.

Kasabay nito, ipinapakita ng BoC sa publiko ang pagwasak sa mga kontrabando upang patunayan na walang katotohanan ang mga paratang na may mga tauhan silang nagbebenta ng nakumpiskang mga kalakal.

Noong nakaraang linggo, pinawasak ng BoC ang P3 bilyon halaga ng mga pekeng shampoo, pabango at pampaganda pati na ang isang libeling machine.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.