Cyberlibel vs Rappler, dedesisyunan na

Balita - - News - Jeffrey G. Damicog

Tuluyan nang tinapos ng Department of Justice (DoJ) ang preliminary investigation nito kaugnay ng reklamong cyberlibel laban sa news website na Rappler.

“The case has been submitted for resolution,” pahayag ni Senior State Prosecutor Edwin Dayog, na namamahala sa panel of prosecutors na nagsagawa ng preliminary investigation.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng negosyanteng si Wilfredo Keng laban sa artikulong inilathala ng Rappler sa website nito noong Mayo 29, 2012 at isinulat ng dating Rappler reporter na si Reynaldo Santos.

Sinabi ni Dayog na ang kaso ay isinumite na para sa resolusyon nitong Martes nang maghain ang mga respondents ng kani-kanilang komento hinggil sa karagdagang ebidensiya na isinumite ni Keng.

May pamagat na “CJ using SUVs of ‘controversial’ businessman”, ang artikulo ay tungkol sa isang sports utility vehicle ni Keng na ginamit ni yumaong Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Inilathala ang istorya nang isinasailalim si Corona sa impeachment trial.

Sa reklamo, inakusahan ni Keng ang mga respondents ng libel sa ilalim ng Section 4, paragraph (c), sub-paragraph (4) of Republic Act 10175, the Cybercrime Prevention Act of 2012.

Bukod kay Santos, kabilang sa mga tinukoy na respondents ay sina Rappler editor-in-chief Maria Ressa at Rappler directors Manuel Ayala, Nico Jose Nolledo, Glenda Gloria, James Bitanga, Felicia Atienza, at Dan Alber De Padua.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.