SoCot solon, bibiyahe pa-China

Balita - - News - Czarina Nicole O. Ong

Hiniling ni South Cotabato Rep. Pedro Acharon, Jr. sa Sandiganbayan na payagan siyang bumiyahe patungong China, upang makipagpulong sa mga miyembro ng Filipino community sa Oktubre 25-30.

Sa kanyang mosyon, sinabi ni Acharon na nais niyang magtungo sa Beijing, kasama ang asawang si Rosalinda Acharon, upang humarap sa mga Pinoy sa China sa isang hotel sa East Chang An Avenue sa Oktubre 26, dakong 6:00 ng gabi.

Bibisitahin din niya ang Tiananmen Square sa Oktubre 27, at plano rin niyang makipagpulong sa mga Pinoy communities sa Oktubre 28.

"The accused manifests that he has no intention to fly in any place other than in Beijing. The accused has no intention whatsoever to evade from the prosecution of the above-entitled case nor has any intention of absconding from the jurisdiction of the Honorable Court which he duly recognized since the commencement of the proceedings in this case," diin ng mga abogado ni Acharon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.