Habambuhay vs drug suspect, ibinasura

Balita - - News - Beth Camia

Napawalang-saysay ang ipinataw ng Cagayan de Oro (CdO) Regional Trial Court (RTC) na habambuhay na pagkakabilanggo laban sa isang drug suspect dahil sa “maling pagkuha ng ebidensiya”.

Ito ay nang iutos ng Korte Suprema sa CdO RTC Branch 25 na ipawalang-sala si Romy Lim, na pinatawan ng reclusion perpetua matapos umanong mahulihan ng malaking halaga ng shabu sa naturang siyudad, ilang taon na ang nakalilipas.

Paliwanag ng kataas-taasang hukuman, hindi nasunod ng mga arresting officer ang probisyon ng Section 21 ng Republic Act 9165 dahil walang nakaharap na miyembro ng media, halal na opisyal ng pamahalaan at kinatawan ng Department of Justice (DoJ) nang iproseso ang ebidensiya laban kay Lim.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.