Landslide victims, aayudahan

Balita - - News - Mina Navarro

Aayudahan ng Department of Labor and Employment (DoLE-7) at ng local government ng Naga City ang mga residenteng apektado ng naganap na landslide sa lungsod, na ikinasawi ng mahigit 60 katao, nitong Setyembre 20.

Paliwanag ng DoLE, tinatapos na lamang nila ang mga mekanismo para sa tuluyang pagkakaloob ng emergency employment sa mga manggagawang apektado ng trahedya

Ang nasabing tulong ay alinsunod na rin sa programang Emergency Employment Program o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD).

"We are now actively coordinating with the public employment services office (PESO) and the city social wekfare and development office (CSWDO) in the City for the profiling of affected workers in the six barangays declared under the state of calamity," ayon sa ahensiya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.