Ebidensiya sa ‘Red October’ plot, matibay

Balita - - News - Fer Taboy

Matibay umano ang ebidensiya ng militar na kumukumpirma sa ‘Red October’ plot, na may layuning patalsikin sa posisyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng mga komunista at ng ilang kritiko ng punong ehekutibo.

Ito ang kinumpirma ni Deputy Chief for Staff for Operations, Brig. Gen. Antonio Parlade, Jr., matapos silang makasamsam ng mga laptop computer at iba pang dokumento mula sa 13 kaanib ng New People’s Army (NPA) sa operasyon sa Northern Mindanao, nitong nakalipas na Hulyo.

Aniya, bukod pa ang mga bankbook, telepono at identification (ID) cards na nakuha sa mga rebelde. Dagdag pa ni Parlade, nakumpirma rin nila na hindi lamang sa National Capital Region (NCR) isasagawa ang plano kundi pati na rin sa buong bansa.

Nauna nang itinanggi ng Communist Party of the Philippines (CPP)-NPA ang nasabing plano at sinabing gawa-gawa lang ng militar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.