Negosyante sa druglist, todas

Balita - - News - Lyka Manalo

BATANGAS CITY - Patay ang isang negosyante na umano’y kabilang sa drug watchlist nang pagbabarilin sa Batangas City, nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Estelito Perez, nasa hustong gulang, nagbebenta ng mga panabong na manok.

Ayon kay Supt. Sancho Celedio, hepe ng pulisya, sakay sa kotse ang biktima, kasama ang asawa, nang pagbabarilin sa Barangay 7 sa lungsod. Sugatan din ang asawa ni Perez at isinugod sa pagamutan.

Sabi ni Celedio, dati nang sumuko ang biktima at dumadalo sa mga drug symposium subalit nahuli sa isang search warrant operations na may kinalaman sa droga ngayong taon.

Nakapagpiyansa umano si Perez habang dinidinig pa ang kaso nito sa korte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.