Dambuhalang tandang na sili, itinayo

Balita - - Libangan -

Ibinida kamakailan ng isang Chinese resort ang 20 foot tall na estatwa ng tandang na guwa mula sa libu-libong piraso ng sili at mais.

Sa video na kuha mula sa isan resort sa Linyi City, Shandong Province, makikita ang giant rooster na binuo ng pula at berdeng sili at ang paa nito na gawa naman sa mais.

Binuo ang estatwa bilang pagkilala sa produktong sili ng lungsod na kamakailan ay inani.

Ayon sa mga residente ng lugar ang mga chilli peppers na ang naging pangunahing pinagkakakitaan ng mga tao sa lungsod sa loob ng mahigit 200 taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.