M-League: Huling hirit ni Joshua Saret

Balita - - Sports - Ni BRIAN YALUNG

MABIGYAN ng pangalawang pagkakataon sa kanilang basketball career ang mga dating pro player ang isa sa layunin ng M-League, ang pinakabagong liga na resulta nang pagsasama ng Philippine Basketball Association (PBA) at Metro Manila Sports Fest (MMSF).

Matapos mag-focus ang PBA D-League sa all-school event, ang M-League ang liga na para sa mga dating pro at collegiate players tulad ni Joshua Ben Hur Saret.

Sino si Saret? Para sa basketball fans, hindi matunog ang pangalan ni Joshua. Ngunit, sa mga nakaabayan niya, hindi estranghero sa laban ang dating miyembro ng Jose Rizal University, higit at tangan niya ang marka na hindi malilimot sa collegiate basketball.

Bilang miyembro ng Heavy Bombers noong 2009, naitala ni Saret ang 89 puntos – pinakamataas na score sa isang laro sa kasaysayan ng liga. Sa naturang laro, nakumpleto niya quadruple double - 11 rebounds, 12 assists at 13 steals. Sa marking naitala, hindi nakapagtataka na habulin siya ng malalaking eskwelahan nang mga panahong iyon tulad ng Ateneo at University of the Philippines.

Ngunit, sa kanyang paglipat, naiba ang takbo ng kaganap kay Saret.

“After kasi non, pinag tryout siya ng mga school eh. NU, Ateneo pinag-tryout siya ni coach Norman [Black]. Eventually napunta ng UP dahil kay coach Aboy [Castro],” pahayag ni Eliseo Saret III, isa sa assistant coach ng Solid San Juan.

Hindi umarya ang career niya sa UAAP, ngunit nagawa pa rin niyang makalaro sa PBA D-League ranks. Sa kabila nito, naging matamlay ang kanyang career at walang pintong nagbukas sa kanya sa pro leaguer.

Sa pagkakataong ito, lalaro siya para sa kanyang sa kanyang hometown.

“Nabigyan kami ng chance sa open league. Kaya tinanong ko siya kung gusto mag-join. Kung gusto niya maglaro. Ayon, ngayon nagstart na ulit siya magtraining. Mahirap yung training namin pero gusto niya pa rin talagang makabalik. Sabi ko eto na yung start,” sambit ng kanyang nakatatandang kapatid.

Sa edad na 27-anyos, may nais patunayan si Saret.

“Nag-mature na kasi siuguro sa dami na rin ng nilaroan niya. One of the leaders talaga,” aniya.

Inamin naman ni coach Saret na kailangan niya ang tulong ng iba pang player para magtagumpay ang koponan.

“Kasi di naman kami ganon eh. As coaches naman di naman kami nagrerely sa isang player. Hanggat maaari gamitin lahat,” aniya.

Masusubok si Saret at Solid San Juan sa kanilang pagsagupa sa host Taguig Generals sa October 2 ganap na 8:30 ng gabi.

SARET: May nais patunayan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.