Philippine Baseball National Team Training Camp

Balita - - Sports -

IPINAHAYAG ng Philippine Amateur Baseball Association (PABA) ang isasagawang training camps ng Men’s and Women’s National Teams sa Oktubre 1314 sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Manila.

Bahagi ang training camp sa paghahanda ng koponan para sa 2019 kung saan nakatakdang sumagupa ang Women’s National Team sa iba’t ibang torneo gayundin ang hosting ng South East Asian Games.

Sinabi ng PABA na ang mga nagnanais na lumahok sa training camp ay kinakailangang magsumite ng kopya ng kanilang birth certificate at passport, gayundin ang dalawang 2x2 ID photos. Ang training camp sa Men’s Team ay sisimulaan sa October 13, habang ang Women’s camp ay sa October 14.

Para sa karagdagang impormation makipag-ugnayan kay PABA Communications Head Maya Montecillo sa maya.montecillo@ philippinebaseball.org

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.