57 atleta, isasabak ng PH Team sa Asian Para Games

Balita - - Sports -

KABUUANG 57 atleta ang isasabak ng Philippine Team sa 3rd Asian Para Games sa Oktubre 6-13 sa Jakarta, Indonesia.

Lalaban ang Pinoy sa 10 sa 18 sports na paglalaban sa quadrennial meet tampok ang archery, athletics, badminton, chess, cycling, judo, powerlifting, table tennis, swimming at tenpin bowling.

Pangungunahan nina Para Games multi-titled Adeline Dumapong-Ancheta ng powerlifting at Josephine Medina ng table tennis ang delegasyon. Tangan ni Ancheta ang record bilang unaang Pinoy na nakapagwagi ng medalya (bronze) sa Paralympics noong 2000 sa Sydney, Australia in 2000. Galing si Ancheta sa bronze medal win sa 2018 World Para Powerlifting Asia-Oceania Open Championships nitong Setyembre sa Fukuoka, Japan. Nasungkit naman ni Medina ang bronze medal sa 2016 Paralympics sa Rio de Janeiro, Brazil.

Kumpiyansa si Philippine Paralympic Committee president Michael Barredo sa kampanya ng Philippine delegation sa Jakarta na aniya’y malalagpasan ang nakopong limang silver at limang bronze sa Incheon, South Korea may apat na taon na angh nakalilipas.

Iginiit ni University of the Philippines Professor Francis Carlos Diaz, itinalagang Chef de Mission ng Philippine team, na sumailalim sa matinding pagsasanay at paghahanda ang mga atleta sa pamamagitan ng tulong at suporta ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Kabilang sa PH Team sina Agustina Bantiloc at Giovanni Ola (archery); Prudencia Panaligan, Andy Avellana, Jerrold Pete Mangliwan, Joel Balatucan, Evaristo Carbonel, Jeanette Acebeda, Marites Burce, Arman Dino and Cendy Asusano (athletics); Jonas Matados, Paz Lita and Kathleen Pedrosa (badminton);

Sander Severino, Henry Roger Lopez, Jasper Rom, Minandro Redor, Israel Peligro, Arman Subaste, Francis Ching, Rodolfo Sarmiento, Cecilio Bilog, Fe Mangayayam, Jean-lee Nacita and Cheryl Angot (chess); Arthus Bucay at Godfrey Taberna (cycling); Gener Padilla, Deterson Omas at Carlito Agustin (judo); and Achelle Guion, Agustin Kitan, Marydol Pamatian at Romeo Tayawa (powerlifting).

Kasama rin sina Minnie Cadag, Benedicto Gaela, Pablo Catalan, Darwin Salvacion at Smith Billy Cartera (table tennis); Ernie Gawilan, Gary Bejino, Roland Subido, Arnel Aba at Edwin Villanueva (swimming); Kim Ian Chi, Samuel Matias, Angelito Guloya, Christopher Yue, Francisco Ednaco, Jaime Manginga, Augusto Hernandez, Crisostomo Yao, Noel Espanol at Ruben San Diego (tenpin bowling).

Ang Asian Para Games ay multi-sport event na ginaganap tuwing apat na taon para sa mga atleta may physical na kakulangan. Ginansap ang unang edition ng torneo noong 2010 sa Guangzhou, China at naging host ang Incheon, Korea noong 2014.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.