Kap nilamog ng 200 vendors

Balita - - Pangunahing pahina - Erma R. Edera

Isang barangay chairman ang nilamog ng mga tindero matapos na malaman ang plano nitong baklasin ang kani-kanilang tindahan sa Quiapo, Maynila, nitong Huwebes.

Ayon sa awtoridad, nasa 200 vendors ang sumugod sa barangay hall at kinausap si Chairman Johnny de la Cruz ng Barangay 308, Zone 30, sa ganap na 2:00 ng hapon.

Nang malaman ng mga vendors ang plano niyang road clearing operation, sinuntok umano ni Luis “Leo” Madrigal ang mukha ni Dela Cruz.

Nang makitang paparating ang iba pang tindero, bumunot umano ng baril ang kapatid ni Dela Cruz at dalawang beses pinaputukan ang mga vendors upang pigilan ang mga ito.

Makalipas ang ilang sandali, dumating na ang mga miyembro ng Manila Police District - Special Weapons and Tactics (SWAT) team at pinayapa ang sitwasyon.

“I want to maintain orderliness in my barangay because the vendors have occupied the streets and sidewalks. The size of the stalls were beyond the required sizes. I was just following the orders of Manila Mayor Joseph Estrada,” pahayag ni Dela Cruz.

Samantala, sinabi ng mga vendors sa lugar na nagbabayad sila sa mga opisyal ng barangay para sa espasyo na kanilang inookupa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.