‘Cartoon-like’ cafe, nag-viral

Balita - - Libangan -

Mabilis na nag-viral sa Instagram bilang hot spot ang isang South Korean cafe dahil sa naiibang dekorasyon nito para magmukhang isang black and white cartoon.

Puno ng creativity gamit ang optical illusions ang buong disenyo ng YND239-20 cafe sa Seoul dahilan upang ang mga haligi, pinto, furniture at gamit sa loob nito ay magmuk hang cartoon drawings lamang. Ayon kay JS Lee, marketing manager ng cafe, ang kakaibang pangalan ng cafe nito ay hango sa address ng establiyemento na Yeon-Nam-Dong 239-20, habang ang kakaibang disenyo ay para umano magbigay ng “memorable experience.”

"It's been successful because our customers all take pictures," pahayag ni Lee. "We became famous very naturally."

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.