Medina: Expect the Unexpected

Balita - - Sports - Ni BRIAN YALUNG

NAGING TANYAG si Josephine Medina nang magwagi ng table tennis bronze medal sa 2016 Summer Paralympics. Ang kanyang pamamayagpag ay patunay na hindi hadlang ang kapansanan para magtagumpay sa larangan ng sports.

Ginapi niya noon si Julianne Wolf ng Germany.

Ngayon, muling sasagupa si Medina para sa bayan target na mahigitan ang nakamit na tagumpay sa pagsagupa sa 3rd Asian Para Games sa Oktubre 6-13 sa Jakarta, Indonesia.

Hindi estranghero sa laban ang 47-anyos na table tennis player, ngunit sa bawat laban inaari niya itong gitgitan at labanang matyira ang matibay.

“I think the one thing is that it is hard to promise a medal. But what I can promise is doing the very best that I can. Fight using our ‘Pusong Palaban’ as a Filipino. Laban lang po tayo,” pahayag ni Medina sa panayam ng Manila Bulletin Sports Online.

“We know na sa Asian Games, we are facing powerhouse contenders like China, Indonesia, and Thailand. They are very strong contenders in Southeast Asia,” aniya.

Sa mahabang panahon nang kanyang pakikibaka, mainam aniya para sa mga atleta ang ihanda ang sarili mabigo man o magtagumpay sa laban.

“Hindi naman po dahil sa nanalo kami sa international competition, pumapasok sa isip naming mga Atleta na that you cannot be beaten,” aniya.

“For us, the ball is round. The one thing is just to do your best and I’ll leave it up to God and thy will Medina be done. Win or lose, athletes are always winners. Participating in these prestigious events, you are already a winner.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.