Pinay nagbigti sa Saudi

Balita - - News - Bella Gamotea

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ulat sa pagpapatiwakal ng isang Pinay na household service worker sa Jizan Province sa Saudi Arabia, nitong Miyerkules.

Sa ulat na natanggap ng DFA mula sa Konsulado ng Pilipinas sa Jeddah, ang 40anyos na overseas Filipino worker ay hiwalay sa asawa at may dalawang anak.

Base sa report, Setyembre 26 nang natagpuang nakabigti ang Pinay sa loob ng bahay ng kanyang employer sa Jizan, mahigit 600 kilometro sa katimugan ng Jeddah.

Sinabi ni Consul General Edgar Badajos na nagpadala na ng consular team sa Jizan upang alamin ang dahilan ng pagpapakamatay ng OFW, na inaasikaso na ang pag-uuwi ng labi sa Pilipinas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.