Tauhan ng DoH, mababawasan

Balita - - News - Leonel M. Abasola

Nababahala si Senator Leila de Lima sa pagtapyas sa budget ng health sector, at iginiit na posibleng magkaroon ng problema sa nasabing sektor.

Aabot kasi sa 17% ang binaklas sa budget ng Department of Health (DoH) para sa 2019—mula sa P171 bilyon noong nakaraang taon ay nasa P142 bilyon na lang ito sa susunod na taon.

“This will compromise allocations for key health infrastructures and contractual workers in the health sector, specifically under the Health Facility Enhancement Program,” ani De lima.

Sinabi rin niyang magreresulta rin ito sa pagkakabakante ng may 16,000 puwesto sa DoH.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.