Kampo ni Robredo kay Marcos: Protesta, iatras na lang

Balita - - News - Ni RAYMUND F. ANTONIO

Muling binira ng kampo ni Vice President Leni Rodredo si dating Senador Ferdinand Marcos, Jr., nang payuhan nito na iatras na lamang ang election protest na isinampa makaraan magdesisyon ang Korte Suprema na gamitin ang 25percent ballot shading sa mga balota.

Pinayuhan ni Election lawyer Romulo Macalintal, kumakatawan kay Robredo, si Marcos na konsiderahin na nito ang pag-atras sa kanyang election protest upang magkaroon ng panahon na pag-isipan ang pagtakbo nito bilang sendor sa darating na 2019 midterm election.

“Honestly speaking, from the looks of it. He cannot do anything anymore,” pahayag ni Macalintal.

Napagdesisyunan ng SC, na nagsisilbi ngayong Presidential Electoral Tribunal, na gamitin ang 50% shading threshold sa isinasagawang manual recount ng mga boto para sa election protest na inihain ni Marcos laban kay Robredo.

Babase na lamang umano ang PET sa election returns (ERs) para “verify the total number of votes as read and counted by the vote counting machines.”

Dahil sa naging desisyon ng tribunal, naniniwala ang kampo ni Robredo na hindi na makukuha ni Marcos ang sapat na boto para pumabor sa kanya ang recount.

Napaulat na nawalan ng halos 21,000 boto si Rodredo sa poll recount dahil sa 50% ruling na ipinatutupad dati ng PET bilang pagsunod sa 2010 rules.

“All these ballots will be credited in favor of Mrs. Robredo and there is no more basis for the objections of Mr. Marcos, who was hoping these ballots will be disregarded and invalidated,” ani Macalintal.

“With the PET decision, Bongbong Marcos cant’ make anymore issue to cast doubt on the election victory of Vice President Leni Robredo,” sinabi naman ni lawyer Florin Hilbay, na kabilang sa posibleng senatorial slate ng oposisyon para sa 2019 polls.

“Bongbong has to wake up to reality that VP Leni was chosen and trusted by the people in the 2016 elections,” dagdag pa niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.