Suu Kyi, binawian ng honorary citizenship

Balita - - News -

Nadesisyon ang parliament ng Canada nitong Huwebes na epektibong bawiin ang honorary Canadian citizenship ni Myanmar leader Aung San Suu Kyi, dahil sa eskandalo ng Rohingya crisis.

Taong 2007 nang gawaran ng Ottawa ang long-detained democracy advocate at Nobel laureate ng natatanging pagkilala. Ngunit nabahiran ang kanyang reputasyon ng balewalain nito ang mga panawagan ng karahasan at pang-aabuso ng mga militar laban sa mga minoryang Rohingya Muslim, na idineklara ng Ottawa na ‘genocide.’

“In 2007, the House of Commons granted Aung San Suu Kyi the status of honorary Canadian citizen. Today, the House unanimously passed a motion to remove this status,” pahayag ni Adam Austen, spokesman ng Foreign Minister Chrystia Freeland.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.