Jasmine excited nang magkapamangkin kay Anne

Balita - - Showbiz - Ni NORA V. CALDERON

FIRST teleserye ni Jasmine Curtis Smith sa exclusive contract niya sa GMA Network ang dramedy na Pamilya Roces, sa direksiyon ni Direk Joel Lamangan.

“Yes, ako po si Pearl Pineda, nanay ko si Lily Renacia played by Ana Roces,” say ni Jasmine sa press visit ng ilang entertainment press sa King’s Royale Promenade Hotel sa Bacolor, Pampanga. “Ako ang palaban na ate ni Amethyst (Shaira

Diaz), anak ako ng nanay ko sa ibang lalaki, kami ang third family ng mga Roces. Pero bago ito, nakapag-guest na ako sa ilang shows ng GMA.”

Dahil ba baka pagkumparahin sila ng ate niyang si Anne Curtis kaya hindi siya natuloy lumipat sa ABS-CBN?

“Meron nga pong ganoon, pero siguro we’re just different. Flattered po ako kapag sinasabing I’m the actress, pero sabi ko naman, may mas charm si Ate. Abot niya ang masa, madali niyang naeengganyo ang mga tao. Mas pinili ko po ang GMA, parang bagay ako sa culture nila, iyong mga challenges, kaya kong lagpasan.”

Biniro namin si Jasmine kung hindi ba siya naiinggit sa Ate niya na may husband na at soon ay baka magkaroon na rin ng baby.

“Hindi po naman, three years na kami ng boyfriend ko, pero napag-uusapan po naman namin. Siguro mas gusto pa naming mag-travel muna, we love traveling kasi.

“Excited na rin ako na magkaroon ng baby si Ate. Boy or girl. Siguro gusto ni Ate baby girl, para aayusan niya. Pero sa akin, iba pa rin siguro ang boy.”

Happy si Jasmine sa bago niyang teleserye dahil makakatrabaho niya ulit sina Sophie Albert at Shaira, na nakasama na niya noon sa TV5.

Eto pala ang unang pagkakataon na maididirek si Jasmine ni Direk Joel. “Hanga po ako kay Direk Joel. Iyong respeto niya sa lahat ng artista niya, kapag work, work kami talaga. Kapag time naman na walang take, pahinga kami sa standby area, at maganda, masaya ang aming set. We love Tita Gloria Diaz,

Tita Elizabeth Oropesa, Ms. Snooky Serna, Ms.

Ana Roces, ang dami po naming natututunan

sa kanila.”

Biro nga namin kay Jasmine, ito ang serye na puro good looking ang bumubuo sa cast, walang itulak-kabigin sa kanila. Bukod kina Gloria, Elizabeth, Snooky, Ana, kasama rin nila sina Carla Abellana, Gabbi Garcia, Shaira at Sophie. Sa kalalakihan naman ay sina Christian

Bautista, Rocco Nacino at ang bagong Kapuso actor na si Manolo Pedrosa.

Sa Oktubre 8 na sila mapapanood sa primetime block ng GMA 7, pagkatapos ng

Onanay.

Jasmine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.