Co-founder ng Jefferson Airplane namaalam na

Balita - - Showbiz - Reuters

PUMANAW na si Marty Balin, ang cofounder ng legendary rock band na Jefferson Airplane at ang nagbibigay ng soulful tenor sa mga kantang kinatha ng banda, sa edad na

76, kinumpirma ng kanyang kinatawan nitong Biyernes.

Binawian ng buhay ang gitarista at singer, na isa mga nagtaguyod ng psychedelic group sa San Francisco noong 1965, nitong Huwebes sa piling ng kanyang asawang si Susan Joy Balin, lahad ng tagapagsalitang si Ryan Romenesko sa isang pahayag. Ang sanhi ng pagkamatay ng singer ay hindi inihayag. Nagbigay-pugay naman sa pagpanaw ng singer ang mga miyembro ng Jefferson Starship, ang isa bang banda na kinabilangan din ni Marty sa loob ng ilang taon, sa Facebook site nito.

“With heavy hearts, we learn today of the passing of Marty Balin. He was a true talent and inspiration to many. We send his family and friends our deepest condolences,” lahad ng grupo. Nakipagkolaborasyon si Marty kay guitar player Paul Kantner sa San Francisco at inilunsad nila ang album na Jefferson Airplane Takes Off, noong 1966. Pumanaw si Paul noong 2016.

Nagtanghal ang banda, na kilala sa kanilang hits na inawit ng bokalistang Grace Slick, gaya ng Somebody to Love at White Rabbit,

sa Woodstock music festival noong 1969 at nakasungkit sila ng Rock and Roll Hall of Fame noong 1996.

Isinulat din ni Marty ang mga kantang Volunteers at Today para sa banda, gayundin, katuwang din siya sa pagbuo ng mga hits ng Jefferson Starship, gaya ng Runaway at Miracles.

Sumailalim si Marty sa heart surgery noong 2016 at nitong Agosto ay nagsampa siya ng kasong malpractice laban sa New York City hospital, dahil sa umano’y pinsalang idinulot ng ospital sa kanyang dila at vocal chords.

Marty

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.