Eddie Murphy, engaged na sa kanyang preggy girlfriend

Balita - - Showbiz -

MULING makikipagpalitan ng ‘I do’ ang aktor na si Eddie Murphy, matapos niyang alukin ng kasal ang kanyang longtime girlfriend na si Paige Butcher, iniulat ng Cover Media.

Kinumpirma ng representative ng komedyante ang balita sa Entertainment

Tonight, ilang araw matapos makita ang buntis na si Paige na may suot na “huge diamond on her ring finger” habang nasa Los Angeles. Taong 2012, nang maging magkasintahan ang 39-anyos na Australian modelactress at ang American.

Taong 2016 nang manganak ang aktres sa kanilang first child, si Izzy Oona, habang nitong nakaraang buwan lamang nang makumpirma na muling magkakaanak ang dalawa.

“Eddie Murphy and longtime girlfriend Paige Butcher are pleased to announce that they are expecting their second child in December,” mababasa sa pahayag.

Ang ipinagbubuntis ni Paige ang magiging ika-10 anak ni Eddie, na bukod kay Izzy, ay may walong anak mula sa kanyang apat na past relationship, kabilang ang 11-anyos niyang anak sa dating Spice Girls star Mel B.

Sa isang 2016 interview sa ET, nagkipagbiruan ang aktor tungkol sa kanyang pagiging ama.

“None of my children are grey and balding,” biro ng komedyante na sinabing ang kanyang mga anak ang “brightest part” ng kanyang buhay.

“My world revolves around them - even the old, grey bald ones,” dagdag pa niya.

Paige at Eddie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.