Kamandag

Balita - - Libangan - R.V. VILLANUEVA

Ika-44 na labas

DAHIL bukas na bukas nga ang gate ng lote, mabilis na naipasok ni Fermin ang kanilang sasakyan nang hindi man lang nagmenor.

“Nakupo, Fermin!” Patili ni Nena.

Bigla nagpreno si Fermin: “Bakit, Love?”

Nakatigil ngayon ang kanilang sasakyan, lagpas lang kaunti sa may lumang gate. Dahil sa nangyari, nakatingin ngayon kay Nena ang lahat ng sakay maging si Fermin. Mga tinging nagtatanong.

“Salamat sa Diyos!” Nasabi na lang ni Nena.

“May problema ba, mahal?” muling tanong ni Fermin.

“Muntik mo na siyang masagasaan.” Medyo kalmado na ang boses ni Nena. “Hindi mo ba siya nakita?”

“Siya? Sinong siya?” “’Yong babae.” nailing-iling lang si Fermin. “Sino ba ang sinasabi mo? Wala akong nakitang tao man o hayup.”

Kung makikita lang ni Nena ang mga mukha ng lahat nilang mga kasama, makikita rin niya ang malaking pagtataka sa mga mukha ng mga iyon.

“Imposible ka, Fermin! May babae talaga. Mayro’n!” Nandidilat ang mga mata ni Nena. “Nagkanlong siya sa gate nang parating na tayo at lumabas sa aktong daraan tayo!”

May sumagot sa dakong likod ng sasakyan. “Pasintabi ho Misis...tama ho si Mang Fermin. Wala nga hong tao.”

Sagutan ang iba pang sakay. Sangayon silang wala ngang tao.

Nakatingin si Nena sa may likod ng kanilang sasakyan. Alam niya, nakatingin din doon ang iba nilang kasama. Wala na nga silan nakitang ano man o sinuman.

Ani Nena na parang sa sarili lang sinasabi: “Pero kitang-kita ko ang babaeng ‘yon. Pero nasa’n na siya?”

Wala nang kumibo sa mga sakay ng jeep. Hindi na sila nakipagtalo kay Nena. Si Nena sa isang banda, ay hindi na rin nagsalita. Paano nga niya ipipilit ang kanya gayong nagkakaisa ang kanyang mga kasama?

Sa mismong tapat ng kukumpunihing bahay, itinigil ni Fermin ang jeep. Nagbabaan na ang mga pasahero.

Bubulong-bulong uli si Nena pero ipinaririnig yata kay Fermin: “May diperensiya na nga kaya ang mga mata ko?”

“Huwag kang magagalit, Love...” Himig nagbibiro na si Fermin. “Tiyak na mas malinaw kaysa sa mga mata naming ang mga mata mo.”

“Ano naman ang ibig mong sabihin?” Inirapan nga niya ng matalim ang kanyang mister.

“O, di ba? kundi bam as malinaw ang mga mata mo... isiping ang ,hindi naming nakikita ay nakikita mo?” Tawa si Fermin. “Niloloko ba ako?” “Galit ka ba?” “hindiiiii!’ “Siya...siya. Bakit ba natin siya pinagkakagalitan/ Anyway, kung na’ron man siya... ang tiyak hindi natin siya nasagasaan.”

Hindi siya kumibo. Pero markado sa mukha niya, gusto niyang mag-sorry. Di ba may katwiran naman si Fermin?

“Siya, Love.. forget na lang ‘yon.” si Fermin ang nagsabi.

Hindi na nga lang siya kumibo pero aywan ni Nena kung bakit nasa isip pa rin niya ang kawalang kasiyahan.

Itutuloy...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.