Balita

Bea, pang-grandslam ang pagganap sa ‘First Love’

- Ni DINDO M. BALARES

LALONG humanga si Aga Muhlach sa dekalidad na pagganap ni Bea Alonzo sa First Love, ang unang pelikulang pinagtatam­balan nila na ipapalabas na sa October 17. “Nang magsimulan­g ipalabas ang mga pelikula ni Bea, noon naman ako nagsimulan­g maging inactive,” kuwento ni Aga nang magkausap kami.

“Noon pa man mahusay na talaga, hanggang sa tawagin na nga siya ng Star Cinema as newest movie queen.”

Tatlong production company ang natulungtu­long para buuin ang First Love, ang Ten17P ni Paul Soriano, Viva Films at Star Cinema. Sina Direk Paul at Aga ang nag-umpisang magusap tungkol sa project na umabot sa isang taon ang pagsusulat sa script.

Natagalan ang pagbuo sa kuwento dahil umiiwas si Aga sa paggawa ng ordinaryon­g pelikula. Off-beat ang role sa unang storyline na ipinabasa at in-offer ni Direk Paul kay Aga. Sa paulit-ulit na revision, nabuo ang First Love na bagamat love story na iniiwasan na rin niyang gawin ay kakaiba ang atake.

Sa ipinapakit­ang trailer, ipinahihiw­atig na may sakit ang character ni Bea. Pero hindi man masyadong pronounced, ‘tila may twist dahil misteryoso rin o maaaring may something din sa character ni Aga.

Mukhang gloomy o tear-jerker ang First Love, sa katunayan, si Aga na ang unang nagkuwento na napaiyak na agad siya sa dubbing. “Ganito talaga ang pelikula na gusto kong gawin,” kuwento pa ng aktor.

“Gusto ko ‘yong nararamdam­an ko ang character at tunay na emotions ang ibibigay ko sa moviegoers.” Ano ang impression niya sa unang pakikipagt­rabaho niya kay Bea?

“Alam mo ba kung ano’ng sinabi ko kay Charlene (Gonzales, wife niya) pagkagalin­g ko sa dubbing? Sabi ko, ‘Be, ‘di ako magtataka kung maka-grandslam ng best actress awards si Bea sa pelikula naming ito.”

Isa si Aga Muhlach sa iilang masusuwert­eng Filipino actors na kahit magpahinga ng maraming taon ay hindi bumababa ang popularida­d at bankabilit­y. Hindi bumibitiw sa kanya ang fans niya -- kahit nitong huling hiatus na walong taon siyang nag-concentrat­e sa visual arts (paintings) at pamilya.

Itinuturin­g nang event ng moviegoers kapag may bago siyang pelikula. Katunayan, umaani ng awards ang off-beat role niya sa Seven Sundays.

Pareho sila ni Bea Alonzo, mahusay pumasok sa characters at ninanamnam ang pagganap. Nabibigyan nila ng brilyo ang napakaordi­naryong papel. Ang dahilan? Hindi sila petiks sa trabaho.

 ??  ??
 ??  ?? Bea at Aga
Bea at Aga

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines