Balita

Solon na nag-viral sa NAIA incident: TAO LANG… PATAWAD PO

- Nina ELLSON A. QUISMORIO, BEN R. ROSARIO, at LESLIE ANN G. AQUINO May ulat ni Argyll Cyrus B. Geducos

Kalmado si ACTS-OFW PartyList Rep. Aniceto “John” Bertiz III habang paulit-ulit na humihingi ng paumanhin nang humarap siya kahapon sa mga mamamahaya­g sa Kamara kasunod ng pagba-viral ng kanyang pambu-bully umano sa security officer ng Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) nitong Sabado.

“Again I would like to extend my sincerest public apology, to the netizens,” sinabi ni Bertiz sa biglaang press conference sa Kamara kahapon.

“I shouldn’t act that way, it’s uncalled for...I shouldn’t have grabbed the ID of the gentleman (NAIA security aide)... I have no intention of harming [him],” anang first-term congressma­n.

Nag-viral nitong weekend ang mga video ni Bertiz habang mistulang binu-bully ang isang security personnel sa NAIA na sinita siya sa hindi niya pagaalis ng kanyang sapatos habang sumasailal­im siya sa body check.

Sa isang bahagi ng video, makikitang inilapit ni Bertiz ang kanyang ID sa mukha ng security aide bago nagmistula­ng hinanapan ng ID ang jacket ng lalaki.

“Tao lang po na marupok, naistress at umiinit ang ulo,” sabi pa ni Bertiz. “Patawad po.”

BINA-BASH ANG PAMILYA

Nag-sorry rin si Bertiz sa kanyang misis at sa kanilang mga anak, na bina-bash umano online dahil sa kanyang ginawa.

“Napakahira­p po pala na nagba-viral, hindi ka makatulog, [my children] are being bashed in social media, they had to take their accounts down,” aniya, at inaming nakatatang­gap na rin siya ng death threats.

“Murahin n’yo na po ako but let’s spare our children,” apela ni Bertiz.

Tinawag naman ni Bertiz na “fake” ang isang pahinang liham na humihiling na patalsikin siya sa Kongreso.

IPINASISIB­AK NG OFWs

Kahapon, hiniling ng grupo ng mga OFW sa Hong Kong na sibakin si Bertiz bilang kinatawan nila sa Kamara, dahil sa hindi pagiging arogante umano nito.

“Bertiz has crossed the line so many times. He should be punished by the House of Representa­tives for disorderly behaviour and be expelled from Congress,” panawagan ni Dolores Balladares­Pelaez, chairperso­n ng United Filipinos in Hong Kong.

Iginiit naman ni Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez na dapat na maimbestig­ahan ng Kamara si Bertiz upang matukoy kung umabuso ito sa kapangyari­han.

Hindi na rin nagbigay ng pahayag si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, at a halip ay inatasan si Suarez na tugunan ito.

Pero sinabi ni Suarez na nananatili­ng Assistant Minority Leader ng Kamara si Bertiz, at walang dahilan upang tanggalin ito sa puwesto.

‘WAG PA-SPECIAL Kasabay nito, pinayuhan ng Malacañang ang mga opisyal ng pamahalaan na sundin ang protocol sa airport.

Bagamat nilinaw ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque kahapon na hindi muna siya magbibigay ng komento dahil hindi pa tapos ang imbestigas­yon ng NAIA sa usapin, iginiit niyang hindi dapat humingi ng special treatment ang mga opisyal ng pamahalaan.

 ??  ?? NAKALIBRE SI LOLO Masayang ipinakita ng lolo ang kanyang senior citizen’s ID makaraang makalibre siya ng sakay sa tren kahapon, bilang selebrasyo­n ng National Elderly Week. Libre ang sakay ng mga senior citizen sa LRT-2 at MRT simula kahapon hanggang sa Linggo, Oktubre 7. ALI VICOY
NAKALIBRE SI LOLO Masayang ipinakita ng lolo ang kanyang senior citizen’s ID makaraang makalibre siya ng sakay sa tren kahapon, bilang selebrasyo­n ng National Elderly Week. Libre ang sakay ng mga senior citizen sa LRT-2 at MRT simula kahapon hanggang sa Linggo, Oktubre 7. ALI VICOY

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines