Balita

Regine ‘di pa rin decided?

- Ni REGGEE BONOAN

SINIMULAN sa blind item ang paglipat daw ni Regine Velasquez- Alcasid sa ABS-CBN, hanggang sa tuluyan na siyang pinangalan­an, pero natiling walang kumpirmasy­on dito si Songbird.

May nasulat na isasama raw si Regine sa programang The Voice bilang sa mga coach, at makakasama niya na Lea Salonga, Bamboo, Sarah Geronimo, Apl de Ap, at Sharon Cuneta.

Puwede rin naman, dahil sa nakaraang season ng The Voice ay wala si Apl de Ap, dahil abala ito sa concert tour niya sa ibang bansa, at posible ngang ito ang palitan ni Regine. Ang kaso, ayon sa aming source sa ABS-CBN: “Parang wala namang The Voice next year? May inaayos pa yata sa franchise, I’m not sure, pero sa pagkakaala­m ko, walang The Voice.

“Kung lilipat si Regine, baka bigyan ng bagong show. Hindi pa siya nakapirma kaya wala pa akong alam na confirmed show.”

Sa panayam naman ng ABS-CBN News kay Ogie Alcasid, binanggit ng Singer-songwriter na nasa GMA pa rin ang kanyang misis.

“She is still officially with GMA. Kung ano man ‘yung naririnig n’yo, all I can say is that I’m very, very excited for her whatever happens. As I said, lagi ko sinasabi, it’s all positive, positive vibes, so exciting, exciting times ahead.”

Samantala, may nagsabi naman sa amin na matagal nang expired ang kontrata ng TV host/actress sa Kapuso network simula pa noong Enero 2018.

“Hindi na siya (Regine) kasama sa bagong show na Studio 7,” hirit naman ng isa pa naming espiya.

Matalingha­ga naman ang binitiwang salita ni Ogie.

“Basta ako, bilang asawa niya, laging full support para sa kanya. At excited ako para sa kanya, kung anuman ang mangyayari. It’s a blessing, always. Iyon lang,” say ni Ogie.

Samantala, mukhang nagiisip pang mabuti si Regine.

“May counter offer kasi si Regine sa GMA, pero baka mas may career growth siya sa Dos like her friends and husband,” sabi naman sa amin ng isang taong malapit kay Songbird.

Hmm, parang naguluhan naman kami sa sinabing ito na career growth? Ang tagal na ni Regine sa GMA 7, ngayon lang niya naisip?

“Mabait naman kasi ang GMA at malaki ang bayad,” sabi sa amin.

May ganu’n?

 ??  ??
 ??  ?? Regine
Regine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines