Balita

Impeach Digong dahil sa EJKs, mababasura lang

- Ni GENALYN D. KABILING

Kumpiyansa ang Malacañang na mababasura ang anumang impeachmen­t complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa diumano’y kaugnayan niya sa extrajudic­ial killings (EJKs).

Ikinatwira­n ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque na walang solidong ebidensiya na magdadawit sa Pangulo sa pagpatay, iginiit na hindi umamin si Duterte sa anumang kasalanan o krimen.

“I’m sure it will also be dismissed by Congress not only because it is a political process but because it’s actually bereft of merit,” ani Roque sa press briefing sa Palasyo.

Nauna rito ay sinabi ni Antonio La Viña, dating dean ng Ateneo School of Government, na ground for impeachmen­t ang pahayag ni Duterte na ang tangi niyang kasalanan ay extrajudic­ial killings. Ayon kay La Viña ang mga pahayag ni Duterte ay maituturin­g na matibay na ebidensiya sa reklamo laban sa kanya sa Internatio­nal Criminal Court.

Gayunman, pinaalalah­anan ni Roque si La Viña tungkol sa tamang konteksto ng mga pahayag ng Pangulo sa EJKs, na walang pagamin sa panig ni Duterte. Sinabi niya na binigyang-diin lamang ng Pangulo na hindi siya inaakusaha­n ng katiwalian o pakikisang­kot sa political vendetta.

“Kinakailan­gan ay beyond words ‘no, mayroon ka bang solid na ebidensiya?” aniya sa radyo.

Positibo si Roque na ang anumang impeachmen­t complaint laban sa Pangulo ay maibabasur­a sa Kongreso. “Sa tingin ko po, walang ebidensiya, wala pong ibig sabihin iyong sinabi ng ating President,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines