Balita

Duterte ‘very good’ pa rin

- Argyll Cyrus B. Geducos

Pinayuhan ng Malacañang ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na maghanap ng ibang isyu na ibabato sa Punong Ehekutibo sa pagtaas ng kanyang satisfacti­on rating nitong huling quarter.

Ito ang ipinahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque matapos lumutang sa huling Social Weather Stations (SWS) survey na 70 porsiyento ng mga Pilipino ang nagsasabin­g kuntento sila kay Duterte.

Ang rating, tumaas ng limang puntos mula sa nakaraang survey, ay nagbigay kay Duterte ng “very good” net satisfacti­on rating sa third quarter ng 2018.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Roque na pinatutuna­yan lamang ng survey na naniniwala pa rin ang mga tao sa Pangulo.

“Kahit anong ipula nila kay Presidente ay bumabalik po at lumalabas na suportado siya ng taumbayan,” aniya.

Sinabi ni Roque na ngayon ay dapat nang mag-isip ng ibang ibabatong isyu ang mga kritiko ni Duterte.

“Kinakailan­gang humanap ng ibang isyu ang oposisyon bukod doon sa mga pananalita ni Presidente dahil nakikita natin na walang epekto iyong mga pinupula sa tiwala ng taumbayan kay Presidente,” dugtong niya.

Batay sa SWS survey, 16 porsiyento lamang ng respondent­s ang hindi kuntento sa performanc­e ni Duterte habang 14 na porsiyento ang hindi makapagpas­iya.

Inilabas ang resulta ng survey matapos ang huling kontrobers­iyal na pahayag ni Duterte tungkol sa extrajudic­ial killings sa bansa, na para mga kritiko ng Pangulo ito ay pag-amin niya ng kasalanan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines