Balita

Apat na preso bistado sa drug parapherna­lia

- Alexandria San Juan

Ilang drug parapherna­lia at isang cell phone ang nasamsam mula sa apat na bilanggo sa isang isang female detention facility sa Quezon City Police Station 8, nitong linggo.

Kinilala ni Quezon City Police District-Project 4 Police Station (PS-8) Commander, Superinten­dent Ophelio Concina, Jr., ang mga suspek na sina Jennylyn Manaois, 24; Jemma Matotte, 25; Jojie Mota, 51; at Abegail Adriano, 35; pawang bilanggo sa PS-8.

Ayon kay Concina, nakatangga­p sila ng impormasyo­n hinggil sa umano’y pot session sa loob ng female detention facility ng PS-8, kaya nagsagawa ng sorpresang inspeksiyo­n.

Pinamunuan ng mga operatiba ng PS-8 Drug Enforcemen­t Unit, Women and Children’s Protection Desk at duty jailer ang sorpresang inspeksiyo­n sa loob ng female detention facility ng istasyon na nagresulta sa pagkakarek­ober ng tatlong aluminum silver foil na ginagamit bilang improvised tooter, dalawang lighters, at isang android mobile phone.

Agad na inimbestig­ahan ang mga sangkot na bilanggo upang makakalap ng impormasyo­n tungkol sa pinagmulan ng nakuhang mga ebidensiya.

Lumalabas na isang bisita ng isa sa mga suspek ang nagpuslit ng droga sa naturang bilangguan, ayon kay Concina.

Idinagdag ng station commander na ang apat na babaeng bilanggo ay nagpositib­o sa drug test.

Kinasuhan ang apat na suspek ng paglabag sa Section 12 at 14 ng RA 9165 o illegal possesion of drug parapherna­lia at pot session.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines