Balita

Pulis naabutang natutulog, 1 pa, lasing

- Bella Gamotea

Posibleng maharap sa kasong grave misconduct at administra­tibo ang isang pulis na nahuling natutulog habang isa pa ay lasing, sa sorpresang pag-inspeksiyo­n ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Guillermo Eleazar sa Las Piñas at Parañaque City Police, kahapon ng madaling araw.

Isinagawa ni Eleazar ang sorpresang pagbisita sa kanyang nasasakupa­n sa katimugang bahagi ng Metro Manila, dakong 2:00 ng madaling araw.

Sa ulat, pinuntahan ni Eleazar ang Police Community Precinct (PCP) 8, Daang Hari sa Las Piñas City at wala itong nakitang pulis sa labas hanggang sa naabutan si PO3 Rey Gusi, desk officer ng presinto, na natutulog habang hindi naman nakausot ng uniporme si PO1 Bernard Acula, sa ilalim ng PCP commander na si Chief Insp. Salvador Garcia, sa loob ng presinto.

Binisita rin ni Elazar ang PCP 5-Talon Dos at napansin ang nagkalat na basura na agad ipinaayos sa mga nakatalaga­ng pulis habang si SPO3 Ruel Ivanez, ng PCP2-Zapote Viaduct sa Las Piñas City, ay inutusang maglinis.

Samantala, pinuntahan din ng NCRPOchief­angPCP4,SanDionisi­ong Parañaque City Police at masuwerten­g walang nakitang pasaway na pulis subalit naabutang hindi nakasuot ng uniporme at nangangamo­y alak si PO3 Joselier Labrada, desk officer ng PCP 3 sa nasabing pulisya, sa ilalim ni PCP commander Senior Inp. Eddie Sarmiento.

Sinasabing galing sa isang party si PO3 Labrada at hindi pumasok nang on time sa duty nitong 8:00 ng gabi.

Agad na ipinag-utos ni Eleazar na isailalim sa alcohol test si PO3 Labrada.

Ipinatawag kahapon ni Eleazar ang mga pulis upang pagpaliwan­agin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines