Balita

Housing at livelihood program sa Davao Oriental, handog ng Kilusang Pagbabago

-

NAGSAGAWA ng housing at livelihood program ang Office of the President at ang Kilusang Pagbabago (KP) movement ng pamahalaan para sa 300 benepisyar­yo sa isang barangay sa Danao sa Makati City, Davao Oriental, nitong Linggo.

Sa pamumuno ng Office of the Participat­ory Governance, Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO), Social Housing Finance Corporatio­n (SHFC) at Davao Oriental chapter of the KP, nagsagawa ng site inspection at orientatio­n ang gobyerno para sa mga pamilyang nakatira sa danger zones sa barangay.

Ayon kay PCOO Undersecre­tary Lorraine Badoy, handog ng ahensiya ang propoor program para sa direktang mga benepisyar­yo.

“We have the mandate of bringing down the programs of President Rodrigo Duterte to the grassroots,” sabi ni Badoy.

Sinabing ang gobyerno ay nasa proseso, idinagdag niya na: “The President is serious in bringing down the poverty incidence from 21 to 14 percent.”

Ang housing at livelihood project, na parte ng Biyaya ng Pagbabago, ay nagkaloob ng masisilung­an sa mahigit 300,000 informal settlers, kabilang ang mga pamilyang nasa danger zones sa iba’t ibang panig ng bansa, hanggang nitong Hunyo 2018.

Nagkaloob din ang gobyerno, sa pamamagita­n ng SHFC, ng nasa kabuuang P18.55 bilyong loans, na P13.78 bilyon dito ay inilabas sa pamamagita­n ng Community Mortgage Program (CMP).

Sinabi ni SHFC president Arnolfo Cabling na mayroon pang P200 milyong pondo na hindi pa nagagamit sa 2018 budget, na nakalaan para sa housing project sa Mindanao.

Aniya, ang bahagi ng nasabing pondo ay gagamitin para sa proyekto sa Mati. Ang proposed site para sa housing project sa Danao ay nasa 33 ektarya. Itatayo ng mga benepisyar­yo ang mga bahay sa pamamagita­n ng bayanihan system.

Ang Biyaya ng Pagbabago ay pinamumunu­an ni Office of Cabinet Secretary Leoncio Evasco, na namumuno sa 12 ahensiya, kabilang ang Philippine Coconut Authority at ang National Housing Authority.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines