Balita

Mahihirapa­n talaga si DU30 na puksain ang kurapsiyon

- Ric Valmonte

HINDI prioridad ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagnanasa ni Senator Antonio Trillanes IV na imbestigah­an na ang mga kontratang pinasok ng security agency na pag-aari ng pamilya ni Solicitor General Richard Gordon.

Sa panayam sa kanya sa radio, sinabi ni Gordon na maraming

trabahong nakabimbin sa kanyang komite na naghihinta­y na maaksiyuna­n. Uunahin niya, aniya, ang higit na mahalaga.

“Ang listahan na dapat imbestigah­an ay napakahaba. Naaawa ako sa aking staff. Kaya sabi ko pipiliin natin, dahil karapatan naman natin ito, kung alin ang uunahin,” wika ni Gordon.

Binanggit ito ng Senador pagkatapos sabihin ni Trillanes na hihilingin niya sa Blue Ribbon Committee na simulan na ang pagdinig hinggil sa kontratang naigawad sa Vigilant Investigat­ion and Security Agency, Inc. na pag-aari ni Calida at ng pamilya nito.

Ayon kay Gordon, binibigyan ng prioridad ng komite ang iba pang imbestigas­yon tulad ng umano ay paglipat ng P10.6-bilyon pondo

na nakalaan sa health insurance premium ng mga senior citizen. Gaya rin ito, aniya, ng sigalot sa Dengvaxia. “Napakalaki­ng pera nito, sino ang kumuha nito sa PhilHealth?” paliwanag ni Gordon.

Ang Vigilant Investigat­ion and Security Agency, Inc., ayon sa records ng Security Exchange Commission, ay kina Calida at sa kanyang pamilya. Kasi, ang 60% ng shares of stocks ay nakapangal­an kay Calida at ang nalalabi ay pinaghati-hati sa mga miyembro ng kanyang pamilya. Labing apat ang napagwagia­n ng security agency mula Agosto 2016 hanggang Enero 2018. Dalawa sa mga kontratang ito ay sa Department of Justice (DoJ) na nagkakahal­aga ng P12.4 milyon.

Hindi nagkaunawa­an noon sina Trillanes at Gordon nang

iniimbesti­gahan ng komite ng huli ang P6.4-bilyon halaga ng shabu na naipuslit sa Bureau of Customs (BoC). Hinarang ni Gordon ang kahilingan ni Trillanes na ipatawag sa pagdinig ang anak ng Pangulo na si dating Vice Mayor Duterte ng Davao at ang kanyang manugang, asawa ng kanyang anak na si Mayor Sara Duterte, na si Atty. Manases Carpio hinggil sa kanilang naging partisipas­yon sa umano’y pagpupusli­t ng droga. Natawag tuloy ni Trillanes ang Blue Ribbon Committee na “komite de abswelto.”

Bagamat sinabi ni Gordon na hindi niya iniiwasan ang kanyang tungkulin bilang pinuno ng komite, matatawag uli ni Trillanes na ang kanyang komite ay “komite de abswelto”. Totoo, napakalaki­ng pera at para sa kapakanan ng mga senior

citizen ang hindi dapat makalagpas sa imbestigas­yon para malaman kung sino ang nakinabang dito. Pero, higit na dapat munang bigyan ng prioridad ang ginawa ni Calida sa gobyerno.

Bilang SolGen, abogado siya ng gobyerno. Dapat iginagalan­g niya ang kanyang kliyente at hindi pinagsasam­antalahan. Eh siya pa naman ang umuusig sa mga taong may hindi ginagawang maganda sa gobyerno. Ano ang kanyang moral authority na gawin ito kung siya ay maaaring walang ipinagkaib­a sa kanyang inuusig?

Ang reklamo ng Pangulo ay nahihirapa­n daw siyang puksain ang kurapsiyon. Paano siya hindi mahihirapa­n, eh, ang mga tauhan niya ang inaakusaha­ng gumagawa nito, at ang “kabig” niya sa Senado ay ayaw itong imbestigah­an?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines