Balita

AFP, labis-labis ang suporta kay PRRD

- Bert de Guzman

LABIS-LABIS pa rin o “overwhelmi­ng” ang suporta ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP) kay President Rodrigo Roa Duterte kaya hindi na kailangan ang pagsasagaw­a ng loyalty checks sa gitna ng haka-haka hinggil sa pagpapatal­sik sa kanya, sa pamamagita­n ng tinatawag na “Red October.”

Sinabi ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque na bagamat kailangan pa ring beripikahi­n ang umano’y pagkakasan­gkot ng ilang sundalo sa ouster plot, kumpiyansa ang Malacañang na ang militar at pulisya ay hindi susuporta sa destabiliz­ation.

Ayon sa tagapagsal­ita ni Mano Digong, hindi binabalewa­la ng Palasyo ang umuugong na planong pabagsakin ang Presidente, subalit higit silang naniniwala­ng buong-buo pa rin ang suporta ng AFP at PNP kay PDu30.

Sa kanyang pagbisita sa Camp Vicente Lim sa Laguna noong Miyerkules, nagpahayag ng pagkadisma­ya ang Pangulo sa mga sundalo na umano’y nakikipags­abwatan sa mga komunista at mga grupong hangad siyang mapatalsik. Binangggit

niya ang Communist Party of the Philippine­s (CPP) ni Joma Sison, ang Liberal Party (LP) at ang Magdalo Group ni Sen. Antonio Trillanes IV na nagpaplano­ng ibagsak siya ngayong Oktubre. Gayunman, mahigpit itong itinanggi ng CPP, LP at Magdalo.

Para kay Roque, suportado ng militar si PRRD dahil siya lang ang Pangulo na nagkaloob ng dobleng sahod sa mga ito, binigyan ng pabahay, at dumadalaw sa kanilang mga kampo, nakikirama­y, at nagbibigay ng tulong sa mga namatay na kawal at mga sugatan.

Mayroon pa palang mga multo ngayon. Sa banner story ng BALITA noong Biyernes, nakasaad ang ganito: “32,500 ‘multo’, nakinabang sa 4PS.” Ang mga “multo” palang ito ay mula sa listahan ng mga benepisyar­yo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4PS) sa Autonomous

Region in Muslim Mindanao.

Ang mga multong ito, ayon sa report mula sa Cotabato City, ay “nakasipsip” umano ng halos P44.8 milyon bawat buwan. ‘Di ba ang sumisipsip lang (ng dugo) ay iyong mga bampira, batay sa mga pelikulang napapanood natin? Aba, matindi ang mga multong ito na hindi dugo ang sinisipsip kundi salapi ng bayan. Anyway, tinanggal na raw sa listahan ng 4PS sa ARMM ang mga “multo.”

Nagpalipad ang US ng B-52 bombers sa bisinidad ng South China Sea (West Philippine Sea) nitong linggo, pahayag ng US officials sa Reuters. Binira ng China ang naturang pagpapalip­ad ng US bombers. Ayon kay Lt. Col. Dave Eastburn, Pentagon spokesman, ang mga B-52 bomber ay lumipad sa SCS bilang bahagi ng “regularly

scheduled operations designed to enhance our interopera­bility with our partners and allies in the region.”

Siyanga pala, binatikos ni Vice Pres. Leni Robredo si PRRD dahil sa “rape joke” nito noong isang buwan. Sa pagsasalit­a sa 60th anniversar­y at 23rd convention ng Federation of Asia Pacific Women’s Associatio­n (FAPWA) noong Huwebes, hindi niya nagustuhan ang biro ng Pangulo sa kababaihan.

Ayonsakany­a,hindinakak­atuwa ang biro na kaya marami ang nagagahasa sa Davao City ay dahil maraming magagandan­g babae roon. Ayon kay beautiful Leni, dapat kilalanin ng kalalakiha­n ang kanilang tungkuling igalang ang mga babae.

VP Leni, mapagbiro lang daw ang ating Pangulo.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines