Balita

Sylvia, waiting pa ring makatrabah­o ang ultimate idol

- Reggee Bonoan

TULALA at nakangiti lang sa buong concert ni Sharon Cuneta nitong Biyernes, si Sylvia Sanchez kasama ang asawang si Art Atayde at bunso nilang si Xavi Atayde.

Matatandaa­ng inamin ni Sylvia sa guesting niya sa Magandang Buhay noong nakaraang taon na si Sharon ang dahilan kung bakit niya ginustong mag-showbiz. Ito ay simula nang mapanood niya ang pelikulang Sana’y Wala Nang Wakas sa sinehan sa Butuan City, na talagang nag-cutting class pa ang aktres para lang manood ng sine.

Kaya naman tulala at nakuhanan pang nakanganga si Sylvia nang isorpresa siya ni Sharon sa show, na talagang hindi raw niya alam kung anong pihit ang gagawin niya dahil ka-face-to-face na niya ang idolo.

Bagamat mahilig nang umarte si Ibyang sa harap ng salamin noong bata pa, hindi niya masyadong binigyan ng pansin ang kanyang pangarap. Inisip niya noon kung paano siya magsoshowb­iz, eh, nakatira siya sa malayong barangay sa Mindanao.

“Dahil kay Sharon napukaw ang passion ko to act. Siya ang dahilan kaya gusto kong maging artista, at hanggang ngayon pinapangar­ap kong makasama siya sa movie o teleserye,” sabi ng aktres.

Bago kasi pumunta sa Araneta Coliseum si Sylvia ay nagkita kami sa bahay nila at maaga niyang ipinahanda ang isusuot niya para sa show ng idolo.

Biniro nga namin kung mag-aabot siya ng bulaklak sa stage, at natawa kami dahil sa tigas ng iling niya.

“Ano ka ba, nahihiya ako. Alam mo namang mahiyain ako ‘pag ganyan. Okay na ako na mapanood ko siya, at sobrang tuwang-tuwa ako kasi 40 years celebratio­n niya. Napanood ko siya before sa Solaire (2016).”

Kinabukasa­n, Sabado, ay dumalo rin si Ibyang sa ABS-CBN Ball kasama ang mga anak na sina Arjo at Ria, at siyempre ang kanyang hubby na si Papa Art.

Anyway, excited si Sylvia dahil may binabasa siyang script for an indie project. Batay sa kuwento, gustung-gusto niya ang magiging karakter niya sa pelikulam, na isa sa dream projects niya.

Pero ayaw pang magbigay ng detalye ni Sylvia.

“Saka na. ‘Pag nandoon na kami (sa location).”

Hindi kasi sa Maynila ang shooting ng nasabing indie movie ng aktres.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines