Balita

Kevin Spacey, kinasuhan ng ‘hinipuang’ massage therapist

-

KINASUHAN si Kevin Spacey ng lalaki na umano’y kanyang hinipuan at pinuwersan­g gumawa ng oral sex, sa isang private massage session sa California noong 2016, iniulat ng BuzzFeed News at The Blast.

Ayon sa Huffpost, ang hindi kinilalang complainan­t ay nagsampa ng mga kasong sexual battery, assault, gender violence at false imprisonme­nt laban kay Kevin sa Los Angeles County Superior Court nitong Huwebes.

Kabilang din dito ang akusasyon ng panghihipo at pamimilit na naganap noong Oktubre 2016. Inasikaso raw ng kinatawan ni Kevin ang massage session nito sa lalaki sa private residence ni Kevin sa Malibu. Makaraang maayos ang usapan, sabi ng lalaki na pumasok daw si Kevin, 58, sa silid na nakasuot ng robe. Isinara nito ang pinto, at sinabing sumasakit daw ang ari niya.

Sa kalagitnaa­n ng massage session, hinawakan umano ni Kevin ang kamay ng lalaki at dalawang beses itong pinilit na himasin ang kanyang ari, nakasaad sa reklamo.

Ayon sa lalaki, lumayo siya kay Kevin sabay sabing, “This is ridiculous. I am a profession­al. This is what I do for a living. I have a son,” ayon sa BuzzFeed News.

Pagkaraan nito ay tumayo ang hubad na si Kevin, hinawakan umano sa balikat ang lalaki at tinangkang halikan siya, sabi pa sa dokumento. Nang tumanggi ang lalaki ay hinawakan umano ni Kevin ang ari nito at sinabing magsagawa ng “blow job” sa kanya.

Matapos ito ay umalis na ang lalaki sa kuwarto bago pa man siya harangin ni Kevin. Ini-report umano ng biktima ang insidente sa pulisya.

Ayon sa The Blast, humihingi ng danyos ang lalaki.

Mahigit isang dosenang lalaki na ang nag-akusa kay Kevin ng pangmomole­stiya, kabilang sina Anthony Rapp at Harry Dreyfuss, ang anak ng Academy Award-winning actor na si Richard Dreyfuss. Aabot sa walong dati at kasalukuya­ng empleyado ng Netflix series na House of Cards noong Nobyembre 2017 ang nag-akusa sa kanya ng sexual harassment, na dahilan para masibak siya sa huling season ng show.

 ??  ?? Kevin
Kevin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines